"Anghel sa aking pananampalataya" (Tula- Alay sa lahat ng marunong umibig ng totoo.)


Anghel sa aking pananampalataya (By: E.Jane)



Naniniwala akong totoo ka
Kahit ang mga mata ko ay ipikit pa
Hindi man makita'y nasa puso kita
Nananalangin na minsa'y makasama ka.

Humarap sa durungawan
Palad ay pinagdikit ng marahan Mata'y ipinikit, 
tumingala upang dinggin ang aking kahilingan
Sa lahat ng anghel sa kalangitan
Ikaw lang ang aking kailangan.

Alam kong hindi mo ako kailangan ngunit mananatili ako
Alam kong hindi mo ako gustong makasama, 
pero hahawakan ko ang kamay mo
Alam kong hindi ako mahalaga
ngunit handa akong maghihintay para sayo.

Abutin man ako ng dalawang libong taon kahihintay sayo
O ibuwis ko man ang buhay tanda ng pag mamahal ko
Mamahalin parin kita hanggang sa dulo man ng pag-hinga ko,
Ang lahat ng ito ay maasahan mo.

Hindi mo man maibalik ang lahat ng ito
Magpapasalamat parin ako
alam kong bubukas ang langit upang dinggin ang kahilingan ko
At bababa ang anghel sa pananampalatayang pinaniniwalaan ko.

Comments

Popular posts from this blog

Duyog (Tula)